fyutang aynah moe!
Nakakatawang isipin kung paano mag-isip ang mga taong nakapalibot sa iyo.
Nakakalungkot isipin na ang pagnanasang baguhin ang sarili mo'y di mo magawa-gawa, hindi dahil wala kang magawa sa iyong sitwasyon kundi ito ang tawag ng iyong dignidad, sang-ayon man ang iyong makasariling ikaw o hindi .
Nakakatawang isipin na sa isang galaw ng isang bagay, ang mga tao'y bubuo na ng kani-kanilang pananaw sa bagay na ito.
Nakakalungkot isipin na ganoon talaga ang patakaran ng buhay, naisin mo mang naisin na baguhin ang ganitong patakaran, nauuwi pa rin ang pagnanasang ito sa basura ng kawalan. Hindi sapat ang isang munting hiling upang baguhin ang malaki at malakas na batas na nagtatakda ng mga patakaran ng buhay.
Nakakatawang isipin na maari mong paglaruan ang mga damdamin ng tao- dahil ikaw- ay isang taong hindi kayang makasakit ng tao- pag-iisip ng mga taong nakapalibot sa iyo.
Nakakalungkot isipin na hindi ka kasing-inosente ng iyong mukhang nagbabadya ng awa, na kaya mong saktan ang isang tao, tahimik pero sigurado.
Nakakatawang isipin na hindi ka mabait.
Nakakalungkot isipin na hindi ka mabait.
Nakakatakot isipin ang mga puwede mong gawin, mga bagay na gusto mong gawin matagal na panahon na ang nakaraan. Ngayon, ang tamang panahon upang manghamak.
Hinding-hindi siya tatantatan hangga't hindi mo nakukuha ang ninanais mong pagkalugmok.
Iba kang magalit, pakaisipin mo yan.
''want to give me war? bring it on, bitch!''
0 comments:
Post a Comment