BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Monday, October 02, 2006

put tang in a sheet!

we lost... kawawang Blue Eagles...
*****************************
Dahil halos lahat na ng taong kilala kong nag-aaral sa Manila na may blog ay nakapagsulat na tungkol sa pesteng bagyong may nakakatawang pangalan na Milenyo (lahat naman ng pangalan ng bagyo sa Pilipinas ay nakakatawa, wala itong kahit isang munting koneksyon sa mga bagyo. Bakit hindi na lang "Ang Takapagsira", "Malupit" o bagyong "Kagimbal-gimbal"?), ay hindi na ako magsusulat sa kung ano ang naging reaksyon ko sa mga pinsalang ipinilaganap ng pesteng bagyong nakasaad.

sandali lang, may idadagdag lang ako tungkol sa bagyo:

sa kalagitnaan ng paghahari ni Milenyo sa mga kawawang alagad ng kalikasan (kaawa-awang mga puno), ay nagising ako mula sa isang mahimbing na pagkatulog. pagmulat ko pa lang sa aking mga mata, akala ko katapusan na ng mundo...

mapanglaw ang paligid, malamig...

ang mga kurtina ng aking kwadro sa dormitoryo ay bayolenteng nagsisiliparan sa kanilang mga pwesto, nais makawala sa mga bakal na nagtatakda sa espasyo nila...

basa ang mukha ko, mula sa mga patak ng ulan na sapilitang dinala ng matinding hangin papunta sa aking kama...

huu... as in, wow, ganito pala ang bagyo!
************************************
malapit na matapos ang semestreng ito, pero hindi pa rin ako masaya...

una, hindi ako makakauwi sa Davao, dahil ayon sa aking ina mas mabuti daw na sa Cavite muna ako manatili, para naman mabigyana ko ng oprtunidad na makisalamuha sa mga buhay-buhay ng mga pinsan ko doon. Sa Disyembre na lang daw ako uuwi, mas sulit daw sapagkat mas mararamdaman ko daw ang bakasyon...

ito lang ang masasabi ko sa kanya, isang malaking WHATEVER! pero siya pa rin masusunod....

kung kaya ko lang bumili ng ticket gamit ang SARILI kong pera, o lumangoy galing Manila hanggang sa mga baybayin ng Davao...

eh, hindi naman, kaya yun... andito ako sa isang sitwasyong ipinipilit sa akin kahit 'di naman ito sang-ayon sa mga totoo kong ninanais...

pangalawa, ang dami kong nadanas na mga kabiguan dahil lamang sa mga kasuklam-suklam at halos mga walang kamatayang kanser sa aking buhay, ang KATANGAHAN at KATAMARAN. Nawasak na ang mga pangarap ko na mapabilang sa DL o makakamit ng A sa kahit isang subject dahil alam kong imposible itong mangyari. Hindi bale, sa susunod na semestre babawi ako! (ito naman lagi linya ko eh, kailan pa ba talaga ako makakabawi ng tunay?)

naku, naku...

panatilihin mo na lang ang saya sa iyong puso, iho
kaya mo yan...

*keep believing baby, 'coz everything happens for a reason (naisip ko lang siya bigla... ang pariralang ito ay bahagi ng liriko sa isang nakakadiring kanta, pero akma naman sa mga naisulat ko kanina, kaya naisip kong panatilihin ang paglagay sa mga salitang ito).

adioes, bebehs!


0 comments: